By: CVS Admin

Aljon Sandoval Manguera

Determinasyon at Sipag tungo sa  Panghabambuhay na Kabuhayan

Hindi ko po inakala na sa paglipas ng mga panahon mula ng ako’y nakagraduate sa Concepcion Vocational School , ay mararating ko kung saan po ako ngayon. Dahil po  sa napakayamang kaalaman at karunungan na naibahagi sa akin ng CVS, ngayon po ay hindi lang po pa-aalaga ng baboy ang aking pinagkakaabalahan, pati na rin po kambing, at tupa, na sya pong pinagkukuhanan ng aking buong pamilya ng kabuhayan at madalas po ay sobra pa kaya ako po ay determinadong paramihin pa at palawigin ang aking nasimulan upang maging ehemplo po ako sa aming lugar kung paano labanan ang kahirapan at maging daan ng kaginhawaan.

Ako po si ALJON SANDOVAL MANGUERA, taga Aranguren Capas, Tarlac,  Animal Production NCII graduate  batch 2015. Maraming salamat po CVS sa pang habambuhay na tulong na ibinahagi nyu sa akin. Tagumpay po tayong lahat.

Aljon Sandoval Manguera