By: CVS Admin

Lenard Miranda

Hayop sa Tagumpay, Hayop sa Kabuhayan: Isang Pagpupugay

Muli na naman pong napatunayan ng isa sa mga graduates ng Concepcion Vocational School  ang kakayahang magkaroon ng masaganang buhay sa pamamagitan ng sipag, determinasyon at kaalamang naibahagi ng mga trainers, lalong lalo napo kay Dr. Irene B. Taborlupa na syang masigasig at matyagang nagtulak sa amin upang marating ang aming kasalukuyang pamumuhay.

Ako po si LENARD MIRANDA, Animal Production NCII graduate batch 2017,  may ari ng Miranda & Magtoto Poultry Supplies, may poultry at piggery na matatagpuan sa Brgy. Escaler, Magalang, Pampanga. Ako po ngayon ay isa ng businessman at naisabuhay ko po  hindi lang ang tamang pag- aalaga ng mga hayop kundi pati na rin po ang entrepreneurial skills na itinuro sa amin.

Isang malaking pasasalamat po ang ipinaabot ng aking buong pamilya sa bumubuo ng Concepcion Vocational School sa pamumuno po ni, mabuhay po tayong lahat!

Lenard Miranda