By: CVS Admin

Roniel Nicdao

Isa po ako sa mga unang batch ng Scholars ng UAQTEA, ngayon po ay nagtatrabaho na po ako bilang medicator sa Pilmico farm 5, Capas, Tarlac.

Masasabi ko po na isang malaking bahagi ng pagiging medicator ko ang lahat ng natutunan ko sa Concepcion Vocational School. Lubos na kapaki-pakinabang po ang lahat ng mga napag aralan  ko sa Animal Production Raise Swine NC II dahil naaapply ko po ang mga napag aralan ko sa trabaho ko ngayon.

Paminsan minsan po tinatawagan ko pa din po ang aking adviser para magtanong sa mga bagay na hindi po ako sigurado, at wala pong alinlangan syang tumutugon sa aking mga tanong, maraming salamat po Ma’am Irene.

Ako po si Roniel Nicdao, UAQTEA Scholar ng Animal Production NCII batch 2018-2019, mula sa Lote St. Lawy, Capas, Tarlac.